|
|
|
|
|
Features Brokeback na Broadband
Maraming isyu ang naungkat dahil sa ZTE-NBN deal. Kailangan ba talaga ng ganitong proyekto? Bakit sobrang taas ng presyo? May naibulsa nga ba ang ilang tao ng pamahalaan? Ilan lamang iyan sa mga tanong na umaaligid sa usaping ito. Mahabang usapin sa kung paano nagsimulang makialam ang taong bayan tungkol sa ZTE-NBN deal, pero isa ang alam ng tao: kailangan nilang malaman ang katotohanan. * * *Modernisasyon. Iyan ang nais patunguhan ng programang National Broadband Network. Iyan din daw ang nakikitang patutunguhan ng mga iprastrakturang itinatayo sa dating bakante na 37-hektaryang lupang pagmamay-ari ng Unibersidad ng Pilipinas sa Commonwealth Ave. Matindi ang pagkondena ng ilang sector ng lipunan sa mga relasyong tulad ng kay Jack and Ennis sa Brokeback: relasyong bakla. Tila ganito rin katindi ang pagkontra ng mga grupo sa Unibersidad ng Pilipinas sa UP North Science and Technology Park (NSTP).
Pero para sa ilang grupo, mas makakabuti kung igigiit ng unibersidad ang mas mataas na subsidiya mula sa pamahalaan, kaysa sa umasa ito sa mga pribadong korporasyon. Ikinakabahala rin na baka maging komersyalisado ang mga pananaliksik na magagawa sa NSTP. ZTE-NBN deal at UP North Science and Technology Park. Dalawang proyektong parehong may hangarin tungo sa modernisasyon, pero bawat isa ay may isyung kinakaharap. Hinihintay ng taumbayan ang mga mangyayari sa pagdinig ng senado sa kasunduang pinasok ng gobyerno, habang inaabangan naman kung talagang makakabuti sa unibersidad ang NSTP sa oras na matapos ang konstruksyon at magsimula na ang pamamalakad nito. Makakabuti sana ang mga proyektong nabanggit kung mga tapat na tao ang nasa likod ng mga ito. Mas magiging maayos ang lahat kung nakatuon ang mga ito para sa mga paglilingkuran at hindi ang mga naglilingkod ang tanging makikinabang. Dapat lang na makialam ang mga tao , hindi lang sa dalawang proyektong ito kundi pati rin sa iba pang transaksyong pinapasok ng pamahalaan at pamantasan. Ito'y upang hindi basta mapagsamantalahan ang mga inosente ng mga taong may tinatagong layunin. Sino bang gustong maloko at bigla na lang tirahin habang walang kamalay-malay na nakatalikod? |
Other related links *Funny signs related to the NBN scandal *UP North Science & Technology Park discussion on Skyscrapercity.com *Ayala Offices *Ayala earmarks P6 billion for UP property Lozada sa UP |
|
|
|